Dapat bang araw arawin ang mga bagay bagay na tuwi't tuwina ay napapagisipang gawin ng mga tao, at malimit, naiimbeno dahil sa kagaguhan at kawalan ng magandang gagawin? Yan ang natatanging tanong na siyang magbibigay daloy sa aking dyornal ngayon.(maga pare ang hirap ng tagalog, nyahaha!).
Ang sumusunod ay listahan ng mga bagay bagay na kalimitang ginagawa natin, ngunit di napapagisipan kung kailangan nga bang araw arawin.
1. Dapat bang araw arawin ang pagsaw-saw ng kanin sa kape?
Actually kung kaya ng sikmura t kung kayang atimin ng pagkatao mo, okay lang. Ang lola ko, bagaman sanay sa sawsawn ng kape, ay hindi ito inaraw-araw, siguro kasi alam niyang sumsabay ako sa kanyang kumain. Pero alam nyo ang pinsan ko ay sanay magsabaw ng kape, hindi ko lang alam kung nagpapalakas lang siya sa lola ko, mi abuela.
2. Dapat bang araw arawin ang paglagay ng pomada sa buhok?
Sa mga engot engot na hindi alam kung ano ang pomada, well ito ang pang dikit na nilalagay nyo sa buhok nyo, huwag nyo akong paiiralan na hindi nyo alam, yes, gel! nyahaha! Actually hindi advisable na araw-arawin ito, baka magkanda lagas lagas ang maga natitirang hibla ng buhok nyo. Kung hindi nyo pa ito napapansin yung, nanay at tatay, kapatid at katabi nyo sa jeep, suyang suya na. Huwag nyo nang antayin na magkatotoo ang sinabi ko, thrice a week na lang mga 'tsong!
3. Dapat bang araw arawin ang paglilinis ng bag bago pumasok?
aHMM. Hindi ko alam, pero sa tingin ko hindi, kasi minsan may maga importanteng bagay na kailangan mong dalhin na hindi nakaklimutan dahil sa pagiging masyadong masinop. nyahaha! Pero kung ayaw niyong pamahayan ng kung anong anik anik ang bag nyo, go ahead, linisin nyo araw araw.... huh! tignan lang natin.
4.Dapat bang araw-arawin ang pagtitinga?
Sa tingin ko, kahit papaano, Oo. Kasi, mahihirapan ang dentista nyo kapag nililinisan na ang ngipin nyo, magiging parang semento yan sa bibig nyo. Ito ang sanhi kung bakit napakatagal ng prophylaxis nyo. NYAHAHA! i'M gahstly.
5. Dapat bang araw arawin ang pagpalit ng medyas?
Sa tingin ko , kung kaya ng budget nyo sige. Nyahaha! Pero kung ako kayo huwag na lang, di naman kayo mamatay eh.
6. Dapat bang araw-arawin ang paghihilod ng mga daliri sa paa?
Oo naman, kasi, hindi ka na nga araw araw kung nagpapalit ng medyas, gigipitin mo pa ang mag toes mo ng cleanliness. Maging hygienic ka naman. nyahaha! Escobahin mo na pare ko!
7. Dapat bang araw arawin ang pag aayos ng kama?
Actually hindi, lalo na kung kayo ako na sa kutson lang sa sahig natutulog. May kama ako, pero kasi, madaling ilatag ang kutson at mas malamig, and besides would you pass the opportunity to reacquaint yourself with the ipis that you orphaned the night before.
8. Dapt bang araw arawin ang pangungulangot?
Sabi ng pinsan ko, kapatid nung nagsasabaw ng kape, pag nangulangot ka daw ng tuwina, parang wal angnkalaman laman ang ilong mo, kaya sa tingin ko, every other day na lang. nyahaha!
9. Dapat bang araw-arawin ang pag papahid ng Deodorant, sa kili2
Sabi ng isang kaklase ko dati, ang sobrang pagpapahid daw ng deodorant ay maaring maging sanhi ng kanser, sa breast. Buti na lang hindi masyadong augmented ang breasts natin kaya, OLD SPICE all the way. Araw-arawin nyo na, para naman we could help mother earth.
10. Dapat bang parating mag Ingles pag kaharap ang principal nyo
Sa tingin ko, hindi, matuto namang magtagalog 'yang principal nyo, and besidesm Filipino rin naman siya ah.
11. Dapat bang araw-arawin ang pagcocoton buds ng tenga?
Sa tingin ko hindi. Nyahahaha! Kasi sabi rin nina Kris at Korina, pag inaraw araw daw ang pagcocoton buds, amaiiritate ang tenga at maaring maging sanhi ng pagkabingi.
12. Dpat bang araw-arwin ang panunod ng tagalog movie?
Oo, kahit papaano, kailangan nyo ng makabuluhang pag-arte. Kahit cinema one o Viva Cinema o yung mga telenovela sa T.V.
Ang mga bagay bagay, hindi lahat inaaraw araw, kasi ang sobra (araw-araw) masama, magdasal na lang kayo sa tuwina, yun hindi masama. Sana naman mag comment na kayo, tinagalog ko na ang entry ko ha! sige, babay!
Currently listening to: Nonoy Zuniga ang Nora Aunor's Beloved